Mga Iskwater sa Gilid ng Ilog, Dapat Nang Ilikas ng LGU’s

 

DAHIL SA peligrong dala ng kalamidad tuwing panahon ng tag-ulan, partikular sa mga residente ng naninirahan sa tabi ng ilog, muling nanawagan ang local chief executive sa mga municipal mayor ng lalawigan ng Bulacan.

Ayon sa record ng Provincial Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) kailangang paghandaan ng lalawigan ang papalapit na tag-ulan.

Tinukoy ni Ms. Liz Mungcal, assistant executive officer ng PDRRMC na halos 10 bayan ang sa tuwina’y nalalagay sa peligro na karamihan ay nakatira sa mga low-lying areas. Dahil dito, muling nanawagan si Bulacan Governor Willy Sy Alvarado sa mga alkalde ng Norzaragay, Angat, Bustos, Baliuag, Plaridel, Pulilan, Calumpit, Paombong, Hagonoy at Malolos City na gumawa ng hakbang upang mailipat sa ligtas na lugar ang mga informal settler’s na namamalagi sa tabi ng ilog sa lalong madaling panahon.

Aniya,mahalagang pagtuunan ng pansin ng mga alkalde, ang buhay at kalusugan ng mga informal settlers na patuloy na dumarami ang bilang dahil sa kawalan ng atensyon ng mga local government unit.

Ayon naman kay Gov. Alvarado, dapat isa-alang-alang ng mga lokal na opisyal na responsibilidad nila sa mga residente sa bawat lugar na kanilang nasasakupan.

Sinabi naman ni Ms. Mungcal na lubhang delikado ang sitwasyon ng mga bahay na nakatirik sa tabi ng ilog, dahil sa walang tiyak na oras ang pagragasa ng tubig-baha mula sa Angat Dam.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.