Mga isinusulong na batas, dinededma
Miriam, dismayado

KINUWESTYON NI Senador Miriam Defensor-Santiago ang kalagayan ng dalawa sa mga panukalang batas na isinulong niya sa Senado.

Sinabi ng senadora na wala pang nangyayari sa Senate Bill (SB) Number 54 o Anti-Signage of Public Works Bill at SB No. 55 at 1580 nito o Anti-Political Dynasty bills.

“I am disappointed. Without public clamor, these bills will never see the light of day. The committees to which these bills were referred are sitting on them,” pahayag pa ng mambabatas.

Nabanggit rin ni Santiago na pareho na nitong kinausap si Senador Antonio Trillanes IV ng Committee on Civil Service and Government Reorganization at si Senador Aquilino Pimentel III ng Committee on Electorial Reforms and People’s Organizations para magsagawa ng public hearings sa dalawang panukalang “pending in the Senate for a prolonged period of time.”

Bukod sa dalawa, kasama rin sa “priority bills” ni Santiago ang SB No. 56 o ang Deceased Organ Donor Bill; SB No. 57 o ang Magna Carta for Call Center Workers; SB No. 186 o ang HIV and AIDS Policy and Plan Bill; at ang SB No. 185 o ang Certificate of Intention to Run for Public Office (CIRPO) bill.

Sinulatan na rin ng senadora si Senador Ralph Recto kaugnay sa SB No. 53 o ang Magna Carta for Philippine Internet Freedom (MCPIF). Hiniling nito na magsagawa ng public hearing dahil layon ng naturang panukala na isulong ang Anti-Cybercrime bill.

Sinabi pa ni Santiago na nagkamali ang Supreme Court (SC) sa pagdedeklarang legal ang online libel sa Cybercrime Law.

Samantala, nagtakda naman ng pagdinig patungkol dito si Recto sa Marso 3.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.