Mga Isda sa Navotas Fish Port, tiniyak na ligtas sa kontaminasyon

TINIYAK NI NAVOTAS City Mayor John Rey Tiangco sa publiko na ang mga itinitindang isda sa Navotas Fish Port ay ligtas sa anumang kontaminado dulot ng malawakang fishkill in Batangas.

“The various fish sold in our fish port are safe because not a single fish came from the area of Batangas,” wika ng alkalde.

Ang Navotas Fish Port Complex ang siyang pinakamalaking fish port sa bansa na siyang nagsu-suplay ng mga produktong dagat sa Luzon at Metro Manila.

“Eighty percent of the fish sold in the fish port came from Mindanao and Palawan, and only 20 percent from Visayas,” ayon kay Tiangco.

Ang mga fish traders ay pu-wersahang inoobligang magbaba ng presyo ng kanilang itinitindang produktong isda, kung saan ang mga trader ay nahihirapan sa pagtitinda ng isda.

“Dati ay inaabot lang kami ng alas-12 ng hatinggabi, ngayon eh alas-3 na ng umaga nauubos ang tinda namin. Sana ‘wag matakot ang tao na bumili sa fish port kasi safe ito sa anumang kontaminasyon,” dagdag pa ni Tiangco.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.