Mga illegal sa Navotas Fish Port, Protektado

TALAMAK UMANO ANG operasyon ng mga beerhouse na prente ng puta-han, iba’t ibang uri ng sugal at serye ng holdapan sa loob ng Navotas Fish Port complex na umano’y protektado ng PNP Maritime Command-National Capital Region (NCR).

Ayon sa ilang impormante, marami umanong tripulante ng barkong pang-isda ang nagkakasakit ng iba’t ibang uri ng sakit sa babae dahil sa murang halaga ng mga kababaihan na nagbebenta ng katawan sa mga beergarden sa loob ng nasabing fish port.

Bukod dito, laganap din sa loob ng fish port ang iba’t ibang uri ng sugal at mga holdaper na nagsasagawa ng serye ng holdapan na ang karaniwang biktima ay mga maliliit at malalaking nagnenegosyo ng isda.

Dahil dito, sinisisi ng mga kinauukulan ang tanggapan ni P/Sr. Supt. Ronaldo Olay sa kawalan nito ng aksiyon upang masugpo ang karahasan at mga illegal sa kanyang nasasakupan.

Sinabi pa ng mga impormante na si Olay ay kadalasan umanong hindi nakikitang lumilitaw sa kanyang kanyang tanggapan.

“Pero isang tauhan nito ang lagi naming nakikitang kumukulekta ng “parating” mula sa mga may-ari ng beerhouse na prente ng putahan at mga operator ng iba’t ibang uri ng iligal na sugalan,” wika ng isang impormante.

Idinagdag pa nito na imbes umanong bantayan ng mga tauhan ni Olay ang mga nagnenegosyo ng isda para maiiwas ang mga ito sa holdap, subalit ang binabantayan ay ang mga sugalan.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.