Mga iligalista sa Camanava at Kyusi

HABANG PATULOY NA ginagatasan ng nagpapakilalang collector ng NPD Director ang mga iligalista sa Camanava, mistulang walang naririnig o bingi naman itong si Gen. Antonio Decano.

Sa bagay, sino ba naman ang hindi mabibingi sa kalansing ng halos milyong piso kada linggo na collection ni SP03 Jojo Cruz na ipinadadaan kay Maj. Lleva?

Ang hindi lang natin maunawaan ay ‘yang hinayupak na “one strike policy”.

Patakaran ‘yan, parekoy, sa sinumang hepe ng pulisya na kapag sa kanyang area of responsibility ay may nahuli raw na iligal ay sisibakin ang hepe.

Aba eh, walang silbi ‘yang policy na ‘yan!

Dahil wala naman talagang mahuhuli kung ayaw ipahuli ng director!

Gaya na nga d’yan sa Camanava, papa’nong iiral ang “one strike policy” na ‘yan, eh ayaw ngang ipahuli ni Gen. Decano?

Dahil mas matimbang ang delivery nina Jojo Cruz at Maj. Lleva!

Ang siste, parekoy, tahimik din itong si NCRPO director, Alan La Madrid Purisima!

‘Yan, parekoy, ang malubak na bahagi ng “tuwid na daan” ng ating Pangulo!

 

NARITO, PAREKOY, ANG ilan pang “malubak” na bahagi ng tuwid na daan sa Metro Manila.

Sa Quezon City ay kasalukuyang namumulaklak ang nasa 500 makina ng video karera nina Art Riviera at Maj. Dela Fuente na naka-konekta kay alyas Sacne.

Ayon sa ating “tawiwit”, kaya malakas ang loob ng mga iligalistang ito na siyang namamayagpag ngayon sa Kyusi ay dahil naka-angkla sila sa opisina ni Gen. Alan Purisima, ang NCRPO Chief.

Kaya naman maging ang mga iligalistang malalapit kay Mayor Bistek na sina Tony “Bolok” Santos ay nagkukumahog ngayon na wasakin ang grupo nina Sacne.

Ang siste, parekoy, ayaw namang gumalaw ni QCPD director C/Supt. Regis.

At sinong gago nga naman ang makikialam sa operasyon nina Sacne, eh, kung masibak nga naman si Gen. Regis kung pakialaman niya itong mga iligalistang naka-angkla sa opisina ng bossing niyang si Gen. Purisima!

Ano, bali?

 

ED PINEDA, PAREKOY, ang kasalukuyang u-maararo ng jueteng sa Valenzuela.

Ayon mismo sa ilang bugok na tauhan ng gambling lord na ito, imposibleng matibag ang kanilang operasyon dahil may basbas mismo ni Gatchalian ang nasabing operation ni Ed Pineda!

Tinuran pa ng nasabing “tawiwit” na ang tanging magagawa na lamang ng kapulisan ay tanggapin ang kanilang weekly payola.

At manahimik!

Ganyan ka-lubak parekoy ang tuwid na daan ni P-Noy!

 

MAKINIG SA AKING programang “ALARMA Kinse Trenta”, Lunes-Biyernes, 6-7 am, sa DZME 1530 kHz, at may “live stream” sa www.dzme1530.com. E-mail: junbriones69@yahoo.com; call or text 09321688734.

 

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.