Mga iligal na troso, nakumpiska sa bahay ng vice mayor

TINATAYANG 2,000 BOARD feet ng undocumented at “illegally cut” lumbers ang nakumpiska ng mga awtoridad sa bahay ng vice mayor sa bayan ng Benito Soliven noong Biyernes.

Ang mga nakumpiskang soft wood lumbers at ilang Narra square logs ng mga miyembro ng pulisya sa bahay ni Vice Mayor Roberto Lungan ay pansamantalang dinala sa kanilang himpilan para sa gagawing imbestigasyon.

Mariin namang binatikos ng kapatid ng vice mayor na si Mario ang ginawang basta na lamang pagpasok ng mga awtoridad sa kanilang compound dahil wala umanong dala ang mga ito na search warrant.

Sinabi ng vice mayor na ang mga nakumpiskang mga troso ay gagamitin sana para sa renovation ng kanilang bahay at hindi tulad ng napapabalitang ibinebenta niya ang mga ito.

“Hindi ako nagbebenta, kasi kung nagbebenta ako, sa labas pa lang nahuli na ako,” ayon kay Lungan.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.