Mga Iligal na Troso, Kinumpiska

KINUMPISKA NG mga awtoridad ang mga coco lumber nang makita ang pinagkakargahang sasakyan at

ng sitahin ay walang maipakitang kaukulang papeles dahil sa nakabalagbag ito sa daan kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kasamang dinala sa presinto ang mga coco lumber ng driver na si Angelo Macayaon, 36, ng Bansud; at pahinanteng si Jose Dasco, 44, ng Maragooc kapwa ng Oriental Mindoro.

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon, nagroronda ang mga pulis sa Barugo St., Camarin ng lungsod dahil sa talamak na holdapan sa nasabing lugar nang mapansin na nakabalagbag ang closed van (RCE-342) habang nagbaba ng mga coco lumber.

Nilapitan ng mga pulis si Macayaon upang sabihan na itabi ang van upang hindi makaabala sa ibang nagdaraan na sasakyan su-

balit laking gulat ng mga una nang magtatakbo ang driver at pahinante.

Dahil dito, hinabol ng mga pulis ang driver at pahinante at hinanapan ng papeles ang mga dalang coco lumber na aabot sa 8,700 board feet.

Dahil duda ang mga pulis sa papeles ay dinala ang mga coco lumber sa presinto kasama ang driver at pahinante.

Lumalabas na 5,000 board feet lang ang pinapayagan na ibiyahe ng Philippine Coconut Authority kung kaya kinumpiska ng mga pulis ang mga coco lumber habang sinampahan ng kaukulang kaso sina Macayaon at Bansud.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.