Mga Ilegal na Paputok, Nasabat ng mga Pulis

 

KULONG ANG dalawang pahinante at driver habang nakapuga ang isa pa nang masabat ang dalang truck na may laman na mga ipinagbabawal na paputok sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang mga dinakip na sina Junmark Aguilar, 33 ng Binondo at Ravelo Mendoza, 46 ng Baseco at driver na si  Banbito Morales, 31 ng Binondo, Manila habang nakapuga ang driver na nakilala lang sa alyas na Jumor.

Batay sa ulat, alas-2:30 ng hapon, nagpapatrolya ang mga pulis nang maispatan ang Isuzu 6 wheeler truck (RDX-586) at (RJH-925) na dala nina Jumor at Morales sa M.H. Del Pilar St., Santolan, Malabon City.

Pinara ng mga pulis ang dalawang truck at nang tignan ang mga laman ay nakita ang mga kahon ng Piccolo at iba pang mga paputok.

Wala rin dalang mga papeles ang dalawang driver sa mga dala na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

Pagparada ni Jumor ay biglang tumakbo at nakatakas kung saan inaalam na kung saan galing ang mga ilegal na paputok.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.