Mga Ibaloi, nanganganib sa Baguio Cha-cha

 

HINIHILING NG MGA kaanak ng mga orihinal na Ibaloi settler sa Baguio city kay Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr, chairperson ng Senate committee on local government na pag-isipang mabuti bago ang kahihinatnan ng panukalang batas para sa charter change ng Baguio city bago ito aprubahan.

Ayon sa may 14 na pinuno ng orihinal na pamilya ng mga Ibaloi, ang kanilang karapatan, pribilehiyo at pagkakakilanlan sa kanilang ancestral land na ginagarantiyahan ng Konstitusyon at ng Indigenous Peoples Rights Act (RA 8371) ay manga-

nganib nang husto na mauuwi sa pagkawala at pagkasira, bunga ng House Bill 3759 na nasa kamay ngayon ni Sen. Marcos Jr.

Ang nasabing panukalang batas ay isinampa ni Rep. Bernardo Vergara noong Hulyo 2010, rebisyon mula sa naunang panukala ng dating kongresman at ngayon ay Baguio Mayor Mauricio Domogan. Mabilis itong naipasa ito sa Mababang Kapulungan noong Disyembre 30, 2010, at agad din namang inendorso sa Senado noong Enero 17, 2011.

Ayon pa sa mga pinuno ng Ibaloi, hindi umano kikilalanin ng naturang panukalang batas ang pagpo-proseso ng kanilang ancestral land, kung kaya’t lumalabag ito sa United Nation’s Declaration on the Rights of Indigenous Peoples, kung saan isa ang Pilipinas sa signatory.

Sa pagbabago sa may isang dekada nang charter ng Baguio, ang paggamit ng mga lupain ay ipapasa na sa pamamahala ng pamahalaang lokal mula sa national government, kung kaya’t may posibilidad na maitaboy ang mga katutubong Ibaloi sa kanilang tinitirhan.

Ayon pa sa mga Ibaloi, ginagawa lang legal ng bagong batas ang pagpapaalis sa kanilang ancestral land, kung kaya hiling nila kay Marcos na maging bukas ito at pantay sa pagbusisi sa nasabing charter change.

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.