Mga huli sa droga, ginagatasan

GINAGAWANG GATASAN UMANO ng mga elemento ng Station Anti Illegal Drug (SAID) ng Caloocan City Police ang mga nahuhuling drug pusher at user.

Ayon sa isang impormante ng Pinoy Parazzi, kapag may huling drug pusher o kaya user ang nasabing departamento, hinihingan umano ng malaking halaga ng pera kapalit ng kalayaan.

Kapag umano walang pera ang kanilang mga huli ay nagtatagal ito sa selda ng SAID para mabig-yan ng pagkakataon ang mga kaanak ng kanilang mga huli na maghanap ng perang pantubos.

Sinabi pa ng impormante, isang alyas “Marlyn” ang nagsisilbing “negosyador” sa pagitan ng mga kaanak ng mga huli sa droga.

Si Marlyn umano ang nagsasabi sa mga kaanak kung magkano ang dapat ibigay na salapi kapalit ng kanilang kalayaan.

Nagsisilbi rin si Marlyn na tagaturo sa mga nagbebenta at gumagamit ng ipinagbabawal na droga.

Idinagdag pa ng impormante, ang mga nakukum-piska umanong droga sa mga huli ay kanila rin u-manong ibinebenta sa iba. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.