Mga hugot at wala lang sa Araw ng mga Puso

Birthday today, Valentine’s Day, ni Kris Aquino. Yes, Araw ng mga Puso ang kanyang kaarawan reason kung bakit mahilig si Tetay sa mga hugis-puso.

Kris Aquino with sons Bimby and Joshua

Sa kanyang Instagram posting ngayong araw, kasama ang dalawang anak na sina Kuya Josh at Bimby, nasa loob sila ng isang eroplano patungong Hong Kong, kung saan doon ise-celebrate ni Tetay ang kanyang birthday with his two boys.

Yes, sabi-sabi, loveless daw si Kris ngayon, pero hindi mo maisasawalang bahala na ang dalawang anak niya ang kanyang love of her life kahit bokyang-bokya ang kanyang buhay pag-ibig. Pero sa kanyang IG, ang daming nagpadala kay Kris ng flowers.

Heart Evangelista’s Instagram post

Birthday rin today ni John Prats at ni Heart Evangelista na sa kanyang IG ay nag-post ang aktres ng black and white photo nila ng mister na si Sen. Chiz Escudero.

Si Bea Alonzo, walang ka-date dahil my taping. Si Gerald Anderson may work din pero say ng binata nang makausap namin sa Star Magic @ 25 Thanksgiving event last Sunday ay babawi siya.

From Kim Chiu;s Instagram

Si Kim Chiu may posting ng isang flower arrangement na kulay pink katabi ng isang bisikleta at may caption na, “You didn’t have to but…again, Thank you. Cheers to more uphills, rock roads and difficult trails to cross.”

Kanino kaya galing ng mga bulaklak na ito? Kay Xian Lim kaya? Walang binanggit si Kim sa caption, pero naka tag-si Xian sa photo na ‘yun.

Richard Gomez’ Instagram post

Si Ormoc City Mayor Richard Gomez ay nag-post ng isang black and white photo nila ng misis na si Leyte 4th District Cogresswoman Lucy Torres na nagki-kiss sa isang sidewalk (parang sa Madrid, Spain ‘yun na latest holiday destination ng mag-asawa) with matching message sa misis na, “I will travel w (with) you anywhere around the world and kid you in the most beautiful places on earth. I love you! (na sinundan ng 3 red heart icons). Happy Valentine’s Day.”

Happy Hearts Day sa lahat ng nagmamahal, may mahal, sa mga nawalan ng pagmamahal, sa umaasa, at naghihintay pa rin.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.