Mga Holdaper ng DSWD employees, tiklo

TACLOBAN CITY – NAHULI ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Tacloban City Police Office (TCPO) ang dalawa sa mga holdaper na nang-hold-up sa mga empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kamakailan kung saan natangay ng mga ito ang P8 milyon.

Sa salaysay ng mga kapulisan, naaresto ang dalawang mga holdaper sa isinagawang hot pursuit operation ng mga ito sa buong rehiyon.

Pinaniniwalaan namang isang pulis ang isa sa mga suspek na naa-resto sa kanilang bahay sa Brgy. 64, Bliss Sagkahan, Tacloban City; at ang isa naman ay sa Ormoc City, na pinaniniwalaang alalay ng nasabing pulis.

Sa ngayon, isinasailalim na sa inventory ang nakulimbat ng mga suspek kung saan pinaniniwalaang hindi na ito umabot sa 8 milyon piso.

Pinaniniwalaan namang nangyari ang matagumpay na pagkahuli ng mga holdaper dahil sa pagkanta ng driver ng DSWD na nakilalang si Justino Goco.

Matatandaang hinoldap ang mga empleyado ng DSWD sa Caibaan National Highway kung saan nata-ngay ang P8 milyon piso na para sana sa mga be-neficiary ng mga magsasaka at mga mangingisda sa Catarman, Northern Samar. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.