Mga hinuling pasaway na motorista, mahigit 6 na libo na

LUMOBO NA SA mahigit 6,200 katao ang hinuli ng mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group sa gitna ng pinaigting nitong kampanya sa pagpapatupad ng “No Helmet, No Travel Policy”.

Sa datos ng HPG, kabuuang 6,203 ang inaresto sa hindi paggamit ng helmet na kinabibila-ngan ng 13 pulis, anim na sundalo, isang tauhan ng Bureau of Fire Protection, isang empleyado ng Land Transportation Office at isa mula sa lokal na pamahalaan.

Umakyat naman sa 1,915 katao ang dinakip dahil sa pabiyahe nang walang plaka ang mga sasakyan.

Ang datos ay simula lamang noong Setyembre 19 hanggang Nobyembre 4.

Pinaigting ang kampanya kasunod ng serye ng mga aksidente ng mga naka-motorsiklo, gayundin dahil sa paglipana ng mga krimeng kinasasangkutan ng riding in tandem.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.