Mga Hepe ng Pulisya sa CAMANAVA, Kabado sa Pagbisita ni Gen. Espina

KINAKABAHAN NA umano ang apat na hepe ng pulisya sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) hinggil sa nalalapit ng pagbisita ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Chief General Leonardo Espina sa darating na Sept. 21, kung saan ito ang kauna-unahan pagkakataon na dalawin ng nasabing heneral.

Ayon sa ilang matataas na opisyal ng Northern Police District (NPD), sa pagdalaw ni Espina ay sinisigurado umano nila na may gugulong na ulo sa mga opisyal hanggang sa pinakababang ranggo dahil sa mga kinasasangkutang kaso na tila kinukunsinte ng kani-lang hepe.

Sa apat na hepe ng kapulisan sa CAMANAVA area, isa umano rito ang tiyak na sisibakin dahil sa mga sunud-sunod na nagaganap na pagpatay na hanggang sa kasalukuyan ay ni isa ay walang nareresolbang kaso o nahuhuling suspek.

Kaugnay nito, sinabi ng nakararaming miyembro ng Malabon Police Station, magpapaputok sila ng mga kuwitis kapag umano nasibak ang kanilang hepe na si Sr. Supt. Ferdinand Ampil.

Anila, si Ampil umano ay isang bastos at walang modong opisyal dahil isa siyang opisyal ng kapulisan na ang tingin umano sa kanyang mga pulis ay mga walang dangal.

“Kahit sa harapan ng maraming tao, sinisigawan kami na tila baga hayop ang trato sa amin, pinagsasalitaan ng hindi maganda at mangbubuhos pa ng kape,” wika pa ng mga ayaw magpakilalang tauhan ni Ampil.

Idinagdag pa ng mga pulis-Malabon, si Ampil umano ay laging nagpapalaki ng kanyang tiyan sa kanyang malamig na tanggapan at naghihintay ng parating na tarya mula sa mga gambling lord.       (ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.