Mga Hepe ng Malabon Police at Malabon Jail, Nagkakainitan

LUMALALA UMANO ang sigalot sa pagitan ng hepe ng Malabon City Police at hepe ng Malabon Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) makaraang harapang bastusin ng una ang huli habang ginaganap ang rehearsal sa paglilibing ni dating alkalde Canuto “Tito” Oreta kamakailan.

Ayon sa ilang tauhan nina Sr. Supt. Ferdinand Ampil, Malabon City chief of police at Supt. Gerald Bantag, Malabon BJMP chief, nakita at narinig umano nila na sinigaw-sigawan umano ni Ampil si Bantag dahilan lamang umano sa suot na uniporme ni Bantag at mga tauhan nito habang isinasagawa ang rehearsal sa gaganapin paglilibing sa namatay na dating alkalde.

Anila, napahiya si Bantag sa harapan ng kanyang mga tauhan at iba pang tao na kasali sa nasabing rehearsal, subalit hindi nakitaan ang huli ng kabastusan, bagkus naging maginoo ito.

Ang nasabi lamang ni Bantag, “Sir kung may nagawa akong mali ay pa-puntahin ninyo ako sa iyong tanggapan at doon mo sabihan, pero huwag mo akong sisigawan sa harap ng a-king mga tauhan.”

Sinabi pa ng nga tauhan ng dalawang nasabing opisyal, naging pangit umano ang tingin nila sa imahe ni Ampil dahil umano sa pagiging bastos at walang modong opisyal nito.

Kaugnay nito, sinabi ng ilang Malabon police insider na matutuwa umano sila kung masisibak si Ampil bilang kanilang hepe, dahil sa simula pa lamang ay hindi ito naging mabuting opisyal nila.

“Wala itong nagawang magandang accomplishment bilang hepe ng kapulisan ng Malabon at ang alam lamang nito ay magkamal ng pera mula sa mga iligal na aktibidades sa kanyang nasasakupan,” wika pa ng ilan niyang tauhan.

(ROMAN MAGPOC) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.