Mga Halimaw sa Maynila

 

+6390637xxxxx – Good day po, Sir Raffy! Irereklamo ko lang po ang mga traffic enforcer ng Maynila, simula sa UST papuntang Recto hanggang Divisoria, kung mangotong po sila ay daig pa ang mga halimaw. Pati ‘yung mga civilian na nangongotong sa mga jeepney driver ay hawak din pala nila. Sana po ay mabigyan ninyo ng panahon na masilip ito nang matigil na po sila. Kawawa naman po kaming mga jeepney driver na pumapasada para lang buhayin ang aming mga pamilya. Umaasa po kami sa inyo, Sir. Salamat po at mabuhay po kayo!

 

+6391236xxxxx – Magandang araw po, Idol! Puwede pong pakiaksyunan ninyo naman ‘yung highway rito sa Olalia Road, Cogeo, Antipolo City. Iyong kalsada po rito ay walang ilaw pagsapit ng gabi simula sa may checkpoint hanggang dito sa Gate 2, Cogeo. Sana po matulungan ninyo kami sa aming problema na ito dahil madami na pong naaksidente rito at nasagasaan. Maraming salamat po and more power!

 

+6392281xxxxx – Mr. Tulfo, maaari ninyo po bang maipaabot sa DepEd ang hinaing po ng mga taga-elementary public school teacher sa District 2, Rodriguez, Rizal. Apat na buwan na po kasing walang sahod. Nababaon na po sa utang mga guro rito. Hindi po namin alam kung ano ang dahilan kung bakit hindi sila napapasahod. Paano na makapagtuturo nang mabuti ang mga guro kung ganyan naman ang sistema nila? Sana po ay maiparating po ninyo sa kanilang ahensiya ang kanilang hinaing na ito. Mara-ming salamat po sa inyong tulong, Idol.

 

+6393284xxxxx – Magandang araw po sa inyo, kagalang-galang na Sir Raffy Tulfo! May nais lang po akong ipa-

rating sa inyong tanggapan. Iyong malaking butas d’yan na malapit sa SSS East Avenue, Quezon City na hinukay ng taga-DPWH ay marami na pong aksidenteng naitala dahil lamang sa butas na ‘yun, lalo na sa mga nagmo-motor at isa na po ako sa mga nadisgrasya. Ni wala man lang silang harang o warning sign na inilagay para sa kaalaman ng mga motorista.  Nakababahala po talaga, baka marami pa pong mabiktima ang peligrong hatid ng butas na ‘yun. Sana ay matulungan ninyo kami at matugunan ang seryosong suliraning ito para sa kaligtasan ng ating mamamayan. Maraming salamat po, Sir Raffy!

 

+6390873xxxxx – Idol Raffy, good day po! Isa po akong masugid ninyong tagapakinig sa iyong programang Wanted Sa Radyo. Nais ko lang pong ihingi ng tulong kung puwede po sana, ang aking pinsan na minamaltrato sa Malaysia. Isa po siyang teacher dito sa Pilipinas. Nag-abroad po siya bilang teacher daw roon kuno, pero nang malaman po namin, ginawa lang po siyang chambermaid at ang masaklap pa, minamaltrato pa raw siya roon. Sana po ay matulungan ninyo ang aking pinsan at managot ang ahensiya o kung sinuman ang may kagagawan ng kanyang paghihirap doon. Maraming salamat po at lubos po kaming umaasa na kayo lang ang makatutulong sa a-king pinsan, gaya ng pagtulong ninyo sa iba pa po nating mga kababayan na nakararanas din ng kalupitan sa ibang bansa. Mabuhay po kayo at God bless po!

 

+6392926xxxxx – Sir Raffy, magandang araw po! Kung maaari po sana, mapaimbestigahan ninyo ang Waffle Time Incorporated. Hindi po kasi maganda ang pagtrato nila sa mga empleyado. Lalo na ‘yung mga supervisor nila. Mababa rin po silang magpasahod. Wala po sa minimum. Sana po ay maiparating po ninyo ito sa DoLE. Thank you very much, Sir!

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.