MGA GURONG MAY SAKIT SA PUSO, DUMARAMI

NAAALARMA NA ANG pamunuan ng Department of Education (DepEd) kaugnay ng napaulat na pagdami ng mga guro na nagkakaroon ng sakit sa puso, hypertensiyon, diabetes at iba pang komplikasyon.

Sinabi ni DepEd Sec. Armin Luistro, dahilan ito sa halos napapabayaan na  ng mga guro ang kanilang katawan at  kalusugan sanhi ng pagiging “subsob” sa kanilang pagtuturo sa kani-kanilang mga estudyante.

Dahil dito, isinulong ng DepEd ang kanilang wellness program na “I AM FIT”, kung saan magkakaroon ng 30-minutong exercise sa pamamagitan ng jogging tatlong beses kada isang linggo bago pumasok sa klase.

Binigyang-diin ng kalihim na mahalaga ang pagkakaroon ng exercise sa katawan para mapanatiling healthy ang kalusugan dahil mapananatili ang daloy ng dugo sa bawat parte ng katawan ng tao.

Ayon pa sa kalihim, bukod sa regular na pag-e-exercise, mahalaga ang pagkakaroon ng “healthy life style” sa pamamagitan ng pag-iwas sa sobrang pag-inom ng nakalalasing na inumin at paninigarilyo.

Sinabi ng DepEd na pamamahalaan ang “I AM FIT” program ni Director Cesar Abalon ng Physical Fitness, Wellness and Recreation Office (PFWRO).    (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.