MGA GINAHASA AT PINATAY NA OFW!

SI ROMYLIN EROT-IBANEZ ay 22, taga-Kidapawan, South Cotabato. Noong Sept. 2, 2010, ang duguan niyang katawan ay dinala sa isang ospital sa Saudi. Dead on arrival nang siya ay idating. May marka ng pang-aabuso at sadyang pagpatay. Pinatay siya sa bahay ng kanyang employer.

Rowena Arceo, 33 anyos, taga-Cordillera. Pinatay siya sa bahay ng kanyang among Arabo noong Oct. 22, 2008.

Joy Sarto, 28 anyos, taga-Echague, Isabela. Pinatay ng kanyang among Arabo noong Sept 22, 2009.

Lorena (hindi tunay na pangalan), 33, taga-Ilagan, Isabela, ginahasa at pinatay noong Oct 1, 2009 sa Dammam, Saudi.

Eugenia Baja, 24, tadtad ng saksak ang katawan nang matagpuang patay.

Clara (hindi tunay na pangalan), taga-Lagawe, Ifugao, na-gang rape ng mga Arabo sa bahay ng kanyang employer noong Feb 2007.

Analyn de Pena, 33 anyos, taga-Old Sta. Mesa, Maynila. Pinalabas na suicide ang dahilan ng kamatayan ngunit hindi naniniwala ang mga magulang niya.

At mahaba pa ang listahan ng mga OFW natin, na karamiha’y babae, na dumaranas ng halos magkakatulad na kapalaran—mga biktima ng panggagahasa at pagpatay.

Pare-pareho rin ang katayuan ng mga kasong ito—ang lahat ng ito ay UNSOLVED o wala pang kalutasan at wala pang ginagawang malinaw na aksyon ang gobyerno ng bansang pinagtrabahuhan nila.

At nakatitiyak tayo na marami pang katulad na kaso ang hindi naire-report sa DFA o sa ating mga embassy. At ma-ireport man, wala namang nangyayari sa kaso.

Sa madaling salita, napapabilang lang sila sa anim na bangkay na siyang average na bilang ng mga patay mula sa ibang bansa na lumulunsad sa ating airport araw-araw.

Muli, nananawagan kami sa Office of the Vice-President, DFA at DOLE na pansinin naman ang mga kasong ito na naghuhumiyaw ng katarungan. Kung hindi malulutas ang mga ito, sasabihin ng mga Arabo na okey lang abusuhin at patayin ang mga Pinoy OFW dahil hindi naman sila pumapalag.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com

By Atty. Ome Candazo

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com

By Atty. Ome Candazo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.