Mga Future Drama Kings ng Kapuso Network!

ILAN SA MGA Kapuso young actors ang sinasabing malaki ang potential na tanghaling Drama Kings, Matinee Idols at Ultimate Leadingmen sa showbiz industry at sumunod sa yapak nina Dennis Trillo, Dingdong Dantes at Richard Gutierrez.

Silan ay sina Kristoffer Martin na tinaguriang Drama Prince ng GMA-7 at napapanood sa Ikaw Lang ang Mamahalin, Tween Hearts at Party Pilipinas; at Derrick Monasterio na napapanood sa Tween Hearts, Party Pilipinas at kasama sa mga pelikulang The Road ng GMA Films at My Househusband na entry sa Metro Manila Film Festival, kung saan kabituin nito sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, at isa sa tinanghal na Best New Male TV Personality sa katatapos na 25th PMPC  Star Awards for TV.

Pasok din sa survey ang pamangkin ng yumaong Master Rapper na si Hiro Magalona na napapanood sa Tween Hearts at Walang Tulugan with the Master Showman, at isang certified Regal Baby at kasama sa Regal Films entry for MMFF na Shake, Rattle & Roll 13 at sa Dead na Dead Sa U, kung saan kasama nito sina Ruffa Gutierrez at Gabby Concepcion at nominado sa 25th PMPC Star Awards for TV bilang Best New Male TV Personality kasama sina Derrick Monasterio at Teejay Marquez para sa teen show na Tween Hearts.

Nasa line-up din ang isa sa cast ng The Road at Panday 2 na si Alden Richards na napapanood sa Party Pilipinas at kasama rin sa Sundo, kung saan makakasama nito sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos. At si Jake Vargas na napapanood sa Pahiram ng Isang Ina, Tween Hearts, Party Pilipinas, Master Showman, at Pepito Manaloto. Gayundin ang hunk na si Aljur Abrenica na nagbida sa The Last Prince, Machete at napapanood sa Amaya at Party Pilipinas.

Last but not the least, ang sinasabing kahawig ng Thai Superstar na si Mario Maurer na si Teejay Marquez, na napapanood sa Tween Hearts, Time of My Life, Ikaw Lang ang Mamahalin at Master Showman, at nagwagi rin ka-tie si Derrick bilang Best New Male TV Personality sa 25th PMPC Star Awards for TV.

 

 

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.