Mga fans ni Daniel Padilla, galit na galit sa babaeng kamukha ng kanilang idol

1 Daniel-PadillaMERONG KAHAWIG si Daniel Padilla na isang babae. Pinagsama ang photo nilang dalawa na naka-pose. ‘Yung isang kuha ay naka-wacky sila at talagang hawig na hawig ang dalawa.

Kaso, ang mga fans ni Daniel, ayaw sa girl. Kung anu-anong patutsada ang kanilang ginawa sa babaeng wala namang kasalanang kundi ang maging kamukha lang ni Daniel.

“Tsss…yabang,naging kamukha lang nagpapasikat na -_-, ” say ng isang avid Daniel fan.

“Naiinis lang ako ng konti dun sa Girl Version ni Daniel. Kasi, sabi nga nung mga tao sa twitter kagabi EFFORTLESS naman daw yung ginawa nya pero napansin siya agad samantalang tayong mga SOLID KATHNIEL FANS buwis buhay na nga hindi parin tayo napapansin,” tili naman ng isa pang maka-Daniel.

“Grabe!!! Kinaiinisan ngayun yung kamukha ni Dj na babae. Kasi DAW maraming siya followers and mag memeet daw sila ni Dj?” one female fan said.

‘Yung isa naman, talagang gustong hanapin ang girl version ni Daniel. “Sino po dito may link ng fb ni Cesca yung kamukha ni DJ di ko kasi mahanap eh :(“

Naku, marami lang female fans ni Daniel ang inggit-to-the max dahil napansin ng binata ang girl na kamukha niya. Wala kayong magagawa riyan kasi hindi kayo lookalike ng inyong idolo kaya mamatay na lang kayo sa inggit.

 

DANTE PONCE is now back in the business after twenty years of stay sa US and Hawaii. Talent siya ngayon ng Backroom ni Boy Abunda.

“At the back of my mind ay gusto kong bumalik sa Pilipinas. Even while I’m in the US ay balak ko talagang manatili sa ating bansa,” sabi niya sa amin.

Nang um-attend siya ng isang furniture exhibit ay talagang decided na si Dante na gawin ang plano niyang pagtira sa Pilipinas for good. Pumayag naman ang asawa niya.

And when he came, he was lucky enough to have been cast in Galema: Anak ni Zuma na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann. He plays General Barredo. Eventually, gusto ring bumalik ni Dante sa singing. Isang album ang nagawa niya twenty years ago before he left for the US.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

6 thoughts on “Mga fans ni Daniel Padilla, galit na galit sa babaeng kamukha ng kanilang idol

  1. nyahahahah eh ano kung may ka mukha si Jejemon Idol na girlalu bakit feeling pa gurl naman yan ah,,,astig astigan lang yan,,,,hahahhaa pakiusap ng Network hahahha…Gandang hari rin yan ,,,,yang mga ganyang face ni Danielita pang Beki face kasi yan…hahahha

  2. Ah ganun, let’s say oo kamukha niya si Dj, but it doesn’t change the fact na mas mahal nya kaming mga fans nya. :) yun lang. Wala na kaming pake kung kamukha nya si Dj, dahil kame kahit ano pang mukha namin. Mapa panget o maganda eh mahal kami ni Dj :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.