Mga Factory ng Paputok sa Iloilo, Kulang sa Preparasyon sa Sunog – PNP

 

ILOILO CITY – Patuloy ang pagsasagawa ng spot inspection ng Arevalo PNP sa mga factory ng paputok o firecrackers sa lalawigan ng Iloilo.

Ito ay para matiyak na sumusunod sa mga regulasyon ang mga gumagawa ng paputok at maiwasan ang mga aksidente.

Ayon kay S/Insp. Reuben Siason, hepe ng Arevalo PNP, ilan sa mga violation na kanilang nakita sa mga manufacturer ng paputok ay ang kawalan ng mga importanteng signages kagaya ng “No Smoking” at “No Testing” sa lugar kung saan ginagawa ang mga ito.

Ang ilan naman ay kulang sa preparasyon sa sunog kagaya ng pagkakaroon ng mga nakahandang tubig at buhangin para sa pag-apula ng apoy.

Kasama naman ng Arevalo PNP na nagsasagawa ng spot inspection ang Bureau of Fire Protection at ilang concerned agencies ng gobyerno. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.