Mga Expired at Pekeng Gamot, Nasabat sa Maynila

AABOT SA P25 milyon halaga ng mga peke at expired na gamot ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port.

Sinabi ni Commisioner Ruffy Biazon na galing Korea ang mga gamot na kinabibi-langan ng multivitamins, ibuprofen, amoxicillin at iba pa.

Nakalagay sa isang 40-footer container van ang kontrabando at naka-consign sa Mountain Glory Agri-Sales Corporation.

Sa pakikipag-ugnayan ng Customs, nabatid na walang akreditasyon sa Food and Drugs Administration (FDA) ang naturang kumpanya.

Wala rin itong lisensyang mag-operate at mag-import ng gamot.

Samantala, nahaharap ang may-ari nito sa kasong paglabag sa Intelllectual Property Rights Law at FDA Law.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.