Mga estudyanteng may AIDS, dumarami

INIHAYAG NG DEPARTMENT of Education (DepEd) na nakakaalarma ang impormasyong nakaabot sa kanilang tanggapan kaugnay ng pagdami ng mga kabataang estudyante na nahahawa at nagkakaroon ng sakit na Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).

Dahil dito  ay kumilos na ang DepEd para mapigilan ang sinasabing nakamamatay na sakit sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan partikular sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Dr. Lolita Andrada, director ng Bureau of Secondary Education (BES), dapat ideklarang “educational emergency” ang ulat ng State of the World’s Children Report 2011: Adolescents An Age of Opportunity sa Sulo Hotel sa Quezon City kung saan natuklasan ang pagtaas ng bilang ng kabataang nasa edad 15-24 ang nahahawaan ng human immunodeficiency virus o HIV.

“With this increasing number of youth (with age ranges) 15-24 infected with HIV, we need to be proactive in our approach as we recognize this silent epidemic,” ani Dr.Andrada.

Isusulong na rin ng kagawaran ang pagtuturo ng values-oriented curriculum sa mga estudyante kung saan igigiya sa tama at tuwid na daan ang pananaw at pag-uugali lalo sa usaping sekswalidad.

Itinataguyod na rin  ng DepEd at UNICEF ang “The Power of You” program, kung saan iminumulat ang kaisipan ng mga mag-aaral gamit ng short film o video na tumatalakay sa buhay ng isang dalaga at binata na nagmamahalan at nagbibigay ng payo kung ano ang dapat gawin bago humantong sa pagtatalik ang kanilang pag-iibigan.

Ayon kay Ms. Vanessa Tobin, country representative ng UNICEF, na ang Pilipinas ay kahanay na ng Armenia, Bangladesh, Georgia, Kazakhstan at Tajikistan, bilang may mataas na porsyento ng pagdami ng kaso ng HIV/AIDS.

“Infections in the Philippines are increasing at an alarming rate. We cannot be complacent any longer,” ani Ms. Tobin.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Mga estudyanteng may AIDS, dumarami

  1. Tagal na kaya yang ibinalita sa ibang bansa na ang dami dami nang kbataan at kahit tanda na may aids sa atin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.