Mga estudyante, taga-benta ng tiket

 

• 0906921xxxx – Sir Tulfo, gusto ko pong ipaalam sa inyo ang ginagawa ng isang eskuwelahan sa kanilang mga estudyante. Ang eskuwelahan ko pong tinutukoy ay ang Marcelo H. Del Pilar National High School. Napag-alaman at nakumpirma ko po na pinagbebenta ng tiket ang bawat estudyante. Tama po bang gawing project ang pagbentahin ng tiket ang mga estudyante. Malinaw po rito ang paggamit sa kahinaan ng mga bata na sumunod sa kanila para lang kumita. Sana po ay maipaalam din ninyo ang problemang ito sa tanggapan ng DepEd. Ang bata ay pumapasok sa eskuwelahan para mag-aral at matuto kaya sana naman po ay huwag abusuhin. Umaasa po ako, sampu ng mga magulang ng mga batang ito, na tutugunan ninyo ang aming hinaing. Salamat po.

 

• 0927626xxxx – Sir Raffy, nais ko pong humingi ng tulong sa aksidenteng nangyari sa aking lolo. Nasa tamang tawiran naman po ang aking lolo, pero nahagip pa rin siya ng isang iresponsableng driver ng van. Dinala po ang a-king lolo sa ospital ngunit binawian din ng buhay. Ang pa-nganay na anak ng aking lolo ay isinama ng aming Kapitan ng Barangay sa istasyon ng pulisya upang makausap ang nakasagasa sa aming lolo. At doon po ay nakiusap ang nakasagasa na sasagutin nila ang lahat ng gastos sa ospital at sa pagpapalibing basta ‘wag na pong magsampa ng demanda. At ang aking tiyuhin po ay pumirma sa kasunduan na sasagutin nila ang lahat ng gastos. Dahil po sa kasunduan na ito, hindi na po na-impound at nakulong ang driver ng van. Pero makaraan ang ilang araw ay hindi na po namin makausap ang pamilya ng nakabangga at lahat ng kanilang pinangako ay napako lamang. Papa’no naman po ang buhay ng aking lolo. Sana po ay matulungan ninyo kami na magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ng aking lolo. Maraming salamat po.

 

• 0947186xxxx – Idol Raffy, pakibigyan naman po ng pansin ang talamak na tupada rito sa Sitio Mahabang Parang, Brgy. Calauan, Laguna. Sobra na po ang perhuwisyong ginagawa ng iligal na sugal na ito sa aming lugar. Sobrang ingay at dumarami pa ang mga magnanakaw sa aming barangay. Basta magkaroon lang ng pantaya sa tupada kahit magnakaw na sa kanilang kapwa ay ginagawa basta mairaos lang ang kanilang bisyo. Ito po ay kinukunsinti ng mga pulis sa aming lugar. Sana po ay tulungan ninyo kaming sugpuin ang iligal na gawain ng mga tao rito sa amin.  Maraming salamat po at more power po sa inyong show.

 

• 0917537xxxx – Mr. Tulfo, ilalapit ko po sa inyo ang sunud-sunod na kaguluhan sa aming barangay (Brgy. 234 Zone 22, Manila). Ang ilang mga residente ay nambabaril na hindi alintana kung sino ang tatamaan. Isinangguni na po namin ang problemang ito sa aming barangay pero ang aming Brgy. Chairman ay nananatiling tahimik at hindi gumagawa ng aksyon. Sa katunayan nga po, isang inosente na po ang tinamaan ng bala na ikinabutas ng kanyang kamay. At imbis po na mamagitan ang aming kapitan, isinisisi niya pa sa lahat ng residente ang kaguluhan. Wala na  po kaming peace of mind sa aming lugar dahil kahit anong oras, magkakaroon ng kaguluhan. Idol, tulungan naman po ninyo kami sa aming suliranin. Maraming salamat po.

 

Para sa inyong mga sumbong at reklamo mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO. Maaari ring magsadya sa aming action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City.

 

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.