Mga estudyante, Maglinis ng mga Kanal at Estero

MAGLILINIS NG mga kanal at estero ang mga estudyante ng Caloocan City bilang pagtugon sa kautusan ng Department of Interior and Local Government sa programang Canal Clean-Up.

Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico Echiverri, katuwang ng mga estudyante ng Global Reciprocal College ang mga barangay officials at ang Environmental and Sanitation Service na naglinis sa Brgy. 14,16, 18 at 20 noong nakaraang Linggo.

Kada dalawang linggo ay iba naman ang mga estudyante na magmumula sa ibang eskuwelahan ang susunod namang maglilinis sa iba pang barangay ng lungsod.

Sa pamamagitan din ng clean-up drive na ito ay nailalayo sa iba’t ibang sakit ang mga residente dahil nawawalan ng paglulunggaan ang mga lamok na nagdadala ng sakit na Dengue at iba pang mikrobyo na maaaring mapunta sa katawan ng tao.

Sinabi pa ni Echiverri, bagama’t tuwing ikalawang linggo lamang ang programang ito ay patuloy naman ang ginagawang paglilinis ng mga barangay officials at ng ESS sa kanilang mga nasasakupang kanal, estero at iba pang daluyan ng tubig. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.