Mga Estudyante, Apektado ng Tubig-Baha sa Caloocan

SA UMPISA pa lang ng klase sa elementarya at hayskul ay patuloy pa ring nakararanas ng kalbaryo ang mga mag-aaral  bunsod ng mataas na tubig-baha na likha ng high tide sa Maypajo at iba pang lugar na mababa sa Lungsod ng Caloocan.

Ang baha sa mga paaralan na nasa mababang lugar ay halos lagpas-tuhod na hanggang sa kasalukuyan ay hindi malusnas-lunasan ng pamahalaang lokal ng Caloocan.

Ayon sa mga magulang, mga guro at mga lokal na opisyal, matagal na umanong sinasabing may badyet para malunasan ang mga pagbaha sa nabanggit na lugar pero lubhang lagi na lamang napapako at kabaligtaran ng programa ng pamahalaan.

Magugunitang nangako ang City Engineering Office ng lungsod na handang-handa na ang lahat ng paaralan sa Caloocan pagdating ng mga pagbaha, pero hindi pa handa ang paaralan sa Maypajo dahil patuloy pa rin ang pagbaha bunsod ng high tide.

Tinatanong ng mga residente sa nasabing lugar kung saan na napunta ang sinasabing badyet para maresolba ang problema sa baha sa kanilang lugar.

Sinabi pa ng mga ito, panahon na naman ng tag-ulan, sana gumawa na kaukulang hakbang si City Engineer Eduria sa ikalulutas ng mga pagbaha na ang labis na naaapektuhan ay ang mga batang nagsisipag-aral.

Idinagdag pa ng mga ito, kung malulunasan ang mga pagbaha ay maliligtas ang mga kabataan, mag-aaral at mga residente sa mga sakit na nakukuha sa tubig-baha.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.