Mga Empleyado ng Telecom Firm, Sumugod sa DOLE

SUMUGOD SA tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga empleyado ng isang telecommunication company sa Intramuros, Maynila.

Nais nilang bantayan ang isasagawang tripartite meeting ng DOLE at ng kanilang employees union.

Sinabi ni Alan Licardo, presidente ng union na i-nalok ng early retirement ng kumpanya ang mga empleyado nito at nangakong bibigyan ulit ng bagong trabaho.

Katuwiran naman ng naturang kumpanya, nalulugi na ito kung kaya kinakailangang magbawas ng empleyado.

Sinabi naman ni Licardo na walang katotohanan na nalulugi ang kumpanya dahil kumita pa ng P1-bilyong dibidendo ang dating may-ari nito bukod pa sa P37-bilyong net profit noong 2012.

Samantala, nagpalabas na rin aniya ng kautusan ang Korte Suprema ma-ging ang DOLE na ibalik ang mga natanggal na empleyado subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito sinusunod ng naturang telecom company.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.