Mga Empleyado ng Navotas, Binigyan ng Oryentasyon sa SALN

NAGDAOS ANG Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng orientation hinggil sa paggamit ng ni-revise na statement of assest and liabilities and net worth (SALN) form para sa mga empleyado ng city hall kamakailan na pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco.

Ito ay bunsod ng kontrobersyang dulot ng na impeachment trial na kinasasangkutan ng Punong Mahistrado ng Mataas na Hukuman na si Renato Corona.

Pinangunahan ng City Human Resource Management Office ang nasabing orientation na naglalayong iwasan ang anumang maling deklarasyon sa SALN.

Ang SALN, na isang pampublikong dokumento, ay nararapat na maglaman ng tamang kabuuan ng ari-arian, pagkakautang at kabuuang halaga ng isang tao.

Mula pa noong 1960 ay mayroon nang legal requirement  para sa mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na magsumite ng SALN, at ito ay nakasaad sa Republic Act 3019, ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

“Ignorance of the law never excuses anyone from compliance therewith,” sabi ni Director Elnora B. Gotis ng Civil Service Commission, na siyang naging tagapagsalita sa nasabing pagtitipon. (MARY H. SAPICO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.