Mga empleyado, ‘di makakuha ng benepisyo Caloocan City hall, ‘di nagre-remit sa GSIS

PINAGSAMANG GALIT AT pagkainis ang nadarama ngayon ng mga empleyado ng Caloocan City Hall dahil bigo ang mga ito na makautang o makakuha ng anumang benepisyon mula sa Government Service Insurance System (GSIS), bunga umano ng malaking pagkakautang ng nasabing pamahalaang lungsod sa naturang insurance system.

Sinabi ng mga empleyado na umaabot umano sa halagang P350-M ang hindi nababayarang remittances ng city government sa GSIS.

Anila, buwan-buwan ay tinatanggalan sila ng kontribusyon pero sa kabila nito ay wala pala silang maasahan mula sa GSIS.

Bakit daw pinababayaan ni Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang ganitong sistema sa kanyang administrasyon sa kabila ng napakaliit ng sinusuweldo ng kanyang mga kawani, mismong ang mga nakatataas pa sa kanila ang nagpapahirap?

Paano na raw kung sakaling mangailangan sila at kailangan ni-lang umutang sa GSIS ay hindi naman daw mabibigyan ng anumang benepisyo?

“Ano ‘yun? Sa bula lamang napupunta ang aming naihulog na kontribusyon?” Tanong pa ng mga kawani.

Itinatanong din ng mga kawani ni Mayor Echiverri kung saan napupunta ang kontribusyon na kinakaltas sa kanila para sa GSIS.

May hinala ang mga empleyado na ang kinakaltas ng GSIS ay napupunta lamang umano sa kamay ng ilang tiwaling opisyal ng pamahalaang lungsod. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.