Mga droga, nasamsam sa Bataan

BALANGA CITY, BATAAN – Dalawang bricks ng pinatuyong dahon ng Marijuana at dalawang medium heat sealed sachet na Shabu at Shabu paraphernalia ang nakumpiska ng mga operati-ba ng  Provincial Intelligence Branch kasama ang Dinalupihan at Orani PNP sa magkakahiwalay na buy-bust operation, sa bayan ng Dinalupihan at Orani sa lalawigang ito kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na ipinadala ni PNP Provincial Director P/SSupt. Arnold Gunnacao kay P/Chief Supt Ed Ladao Region-3 PNP Director, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Roque Mangahas Y Tolentino, 40 anyos, residente ng Brgy. Old San Jose, kung saan nakuha sa kanyang pag-iingat ang 2 sachet ng Shabu,2 improvised toother,isang digital weighing scale, isang rolyo ng aluminum foil, at isang converted na caliber 22.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-12 ng hating-gabi nang isagawa ng mga tauhan ng PDEA ang buy-bust operation makaraang magpanggap na poseur buyer ang isa sa mga pulis dahilan upang madakip ang suspek.

Samantala dalawang katao pa ang dinakip ng mga pulis, makaraang ilunsad ang buy-bust operation sa kahabaan ng McArthur Highway sa Brgy. Mulawin, Orani, kung saan inaresto ang suspek na si Emmanuel Rodriguez Y Santos alayas Dagul, 18 anyos.

Nakuha sa kanya ang isang brick ng Marijuana na tumitimbang ng 800 gramo, habang lulan ng Kawasaki motorcycle na may plakang RQ-9524. Habang naaresto rin sa ibang lugar si Ramon Cristopher Y Eugenio, 22 anyos, binata, ng Brgy. Tugatog dakong alas-2:20 ng madaling-araw.

Nabatid sa inisyal na report ng pulisya, nakumpiska rin sa suspek ang 1 pang brick ng pinatuyong dahon ng Marijuana na may timbang na 250 gramo sa Sitio Kawayan, Brgy. Tugatog, Orani dakong alas-2 ng mada-ling-araw, kung saan lulan  ito ng motorsiklo na may plakang QD-7142 nang ito’y masabat sa kahabaan ng McArthur Highway.

Kaugnay nito, detinido nga-yon ang mga suspek sa Camp Tolentino Provincial Police Office sa kasong paglabag sa Sec.5, 12, 13 ng RA 9165.  (TONY  DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.