Mga Doctor at Nurses sa Valenzuela Gen. Hospital, Nagsagawa ng Kilos-Protesta

POSIBLENG MAPERHUWISYO ang serbisyo na nakakamit ng mga pasyente ng Valenzuela General Hospital dahil umano sa isinasagawang kilos-prostesta ng mga doctor, nurses at mga empleyado laban sa pamunuan ng nasabing pagamutan hinggil umano sa hindi nakukuhang mga benepisyo kahapon ng umaga.

Sa naging panayam ng Pinoy Parazzi kay Gng. Nilda Esnardo, regular nurse ng nasabing pagamutan, tinanggal na umano sa kanila hazzard pay, laundry, food at uniform allowance na dating ibinibigay sa kanila.

Sinabi ni Esnardo, tuwing ikatlong buwan ay tumatanggapa sila ng halagang P12,000 bilang mga allowances subalit ngayon ay anim na buwan na ay hindi pa sila nakatatanggap ng mga nabanggit na allowances kabilang na ang dagdag-sahod na matagal na nilang hinihingi.

Samantala, ang National Capital Region ay tumanggap ng isang buwan allowances habang ang San Lazaro Hospital naman ay tumanggap ng tatlong buwang allowances.

Magsasagawa rin ang mga nagpoprotesta ng prayer vigil sa harap ng nabanggit na pagamutan para ipagdasal na maibalik na muli sa kanilang ang nawalang mga benepisyo.

Sa isinasagawang kilos-protesta, ang mga manggagamot, nurses at mga empleyado ay nagsuot ng mga itim na T-shirt bilang pagkondena sa pag-aalis ng nasabing pamunuan ng pagamutan ng kanilang mga benepisyo.

Nakatakda ring magpunta ngayong araw (June 28) ang mga nabanggit sa Department of Health upang ipagsigawan ang kanilang hinaing at makamit muli ang kanilang ipinaglalaban.

Napag-alaman na base sa memorandum 0181-2012 na ipinalabas ni DOH Secretary Enrique Ona, ipinahihinto ang mga nasabing benipisyo dahil wala pang go signal ang tanggapan ng Department of Budget and Management.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.