Mga ‘Di Malilimutang Pangyayari sa Showbiz Noong 2013

Angel-Locsin- Phil-Younghusband ChariceJANUARY NA naman. Maraming mga ‘di malilimutang pangyayari ang naganap sa ating bansa noong nakaraang taon. Maganda man o pangit, ang mga ito ay bahagi na ng kasaysayan ng ating bansa. Tingnan na lang natin ang mundo ng showbiz. The world of showbiz is inarguably fascinating. Once you become a star, you become public property. Lahat ng mata ay nakatutok sa iyo. Sinasabing kahit na anong mangyari sa personal na buhay ng isang artista, anuman ang estado ng kanyang emosyon, the show must go on.

Tara at balikan natin ang ilan sa mga kaganapan na lalong nagpatingkad sa mundo ng showbiz noong 2013:

Weddings: Longtime couple Paolo Valenciano and Samantha Godinez exchanged “I do’s” last February 7 at the Manila Polo Club; mula sa isang romantikong kanta ay nauwi sa totoong buhay ang pagmamahalan nina Richard Poon at Maricar Reyes who tied the knot at The Bellevue Hotel in Alabang, Muntinlupa last June 9; ikinasal ang comic couple na sina Melai Cantiveros and Jason Francisco sa Holy Cross Parish  in General Santos City noong December 9; Miss Universe 2011 third runner-up Shamcey Supsup got married to her Filipino-Chinese businessman boyfriend Lloyd Lee last December 29.

Romantic Relationships: Gerald Anderson admitted his romantic relationship with Maja Salvador in the June issue of Star Studio Magazine. Naging kontrobersiyal ang kanilang relasyon dahil napapagitna si Kim Chiu na kaibigan ni Maja at dating girlfriend ni Gerald; tuluyan nang binuksan ni Yeng Constantino ang kanyang puso sa tawag ng pag-ibig sa katauhan ni Victor Christian Asuncion, isang worship leader sa Victory Christian Fellowship at dating lead vocalist ng bandang Indios.

Engagements: Jericho Rosales and Kim Jones are now engaged matapos ang nakakakilig na marriage proposal ni Echo while at a church service in Alabang last August 4; Denise Laurel is engaged to cager Sol Mercado and she posted a video showing her fiancé kneeling in front of her during the proposal at ibinahagi rin niya sa kanyang Instagram ang litrato ng kanyang diamond engagement ring.

Break-Ups: Some good things don’t last. It’s truly over for Angel Locsin and Phil Younghusband who started their friendship and confirmed the end of their relationship through Twitter; marami ang nabigla at nanghinayang when Billy Crawford and Nikki Gil ended their almost five-year relationship; Cristine Reyes and Derek Ramsay called it quits after less than a month matapos nilang aminin that they were in a romantic relationship; tinuldukan nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado ang kanilang two-year relationship; inamin ni Paulo Avelino na hiwalay na sila ni LJ Reyes with whom he has a child; Paul Jake Castillo confirmed on The Buzz that he and Melissa Ricks have separated after being together for a year.

Big Revelation: Matapang na humarap si Charice sa The Buzz para kumpirmahin that she is a lesbian at matagal na silang may alitan ng kanyang Mommy Raquel.

Concerts: Daniel Padilla had a jampacked birthday concert at the Araneta Coliseum na dinumog ng kanyang mga fans na nanggaling pa sa iba’t ibang dako ng bansa; naging matagumpay ang first dance concert ni Enrique Gil na pinamagatang King of the Gil na ginanap sa Big Dome.   

World Victory: Megan Young won the first ever Miss World title during the beauty pageant’s coronation night na ginanap sa Bali Nusa Dua Convention Center in Bali, Indonesia.

Pregnancy: kumpirmadong buntis si Rica Peralejo matapos ang halos tatlong taong paghihintay nila ng asawang si Joe Bonifacio.

Reconciliation: Naayos na ang gusot sa pagitan nina Robin Padilla at BB Gandanghari. Robin posted on his July 1 Instagram account a photo of his son, Ali, playing with BB who was confined in a hospital. Sa ngayon ay patuloy na gumaganda ang samahan ng buong Padilla clan.

Sana ay mas maraming masasayang pangyayari ngayong taon. Magkaroon sana ng malalaking oportunidad ang ating mga artists sa loob at labas ng bansa. Wala na sanang mga mapaminsalang kalamidad tulod ng lindol at super typhoon which would damage homes, communities, properties and life. Let love and peace reign in the heart of every man.

Happy New Year!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Mga ‘Di Malilimutang Pangyayari sa Showbiz Noong 2013

Leave a Reply

Your email address will not be published.