Mga De-Kalidad na Pelikula Hatid ng STUDIO5 ORIGINAL MOVIES sa Telebisyon

HINDI PAPIPIGIL ang TV5 sa paghahatid ng mga naiibang programa para sa ikatutuwa ng mga manonood. Kaya naman ngayong Pebrero ay handog ng Kapatid Network ang precious collection ng originally-produced made-for-TV films ng STUDIO5 ORIGINAL MOVIES.

Pinagbibidahan ng mga naglalakihang artista ng pinilakang tabing at mga tinitingalang director ng industriya, ekslusibong mapapanood ang STUDIO5 ORIGINAL MOVIES sa TV5 tuwing Martes ng gabi simula ngayong Pebrero 4.

Para sa Love Month series ay tampok ang apat sa mga naggagandahang pelikula ng pag-ibig, pagkabigo at pagbangon – apat na malalaking produksiyon na mapapanood ng libre sa telebisyon.  Unang matutunghayan sa Pebrero 4 ang LADY NEXT DOOR na pinagbibidahan ng timeless beauty na si Alice Dixson at ang Artista Academy teen heartthrob na si Mark Neumann. Isa itong romantic story tungkol sa dalawang taong malaki man ang agwat ng edad ay natagpuan pa rin ang pag-ibig sa isa’t-isa.

Bilang Valentine’s Day special offering ay mapapanood naman sa Pebrero 11 ang pinakaka-abangang muling pagsasama sa pinaka-iconic na love team sa Philippine cinema – ang sinubaybayan at minamahal na Guy & Pip love team nina Superstar Nora Aunor at ng multi-awarded dramatic actor na si Tirso Cruz III. Sa pelikulang WHEN I FALL IN LOVE ay tampok sina Guy & Pip bilang mag-asawang Armando at Fely Buenaventura na humaharap sa pinaka-malaking pagsubok sa kanilang pagsasama. Pero patutunayan nila ang kahulugan ng tunay na pagmamahalan para maging inspirasyon sa kanilang mga anak na sina Ricky (Marc Abaya), Nica (Nadine Samonte, at Louie (Felix Roco).

Sa Pebrero 18 mapapanood ang THE REPLACEMENT BRIDE tampok ang TV5 primetime princess at Cinemalaya best actress na si Jasmine Curtis-Smith kasama ang Brazilian-Japanese hunk na si Daniel Matsunaga sa isang nakaaaliw na romantic comedy. Tungkol ito kay Chynna (Jasmine), isang broken-hearted na dalaga na sumigaw ng “Itigil ang kasal!” sa maling okasyon at naging dahilan ng pagkasira ng kasal ng guwapong architect na si Kael (Daniel) sa kaniyang long-time girlfriend na si Sandy (Arci Muñoz). Para itama ang pagkakamaling ito ay mapipilitan si Chynna na tulungang magkabalikan sina Kael at Sandy. Pero paano kung napalitan na pala niya ang bride sa puso ng groom?

At bilang pang-grand finale sa Love Month series ng STUDIO5 ORIGINAL MOVIES, matutunghayan sa Pebrero 25 ang kakaiba at nakaaantig-pusong kuwento ng BAWAT SANDALI.  Pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Angel Aquino, Yul Servo, Mylene Dizon at Phillip Salvador, ang BAWAT SANDALI ang pelikulang tiyak pupukaw sa loob ng bawat manonood.

Huwag palagpasin ang mga de-kalidad na pelikulang handog ng STUDIO5 ORIGINAL MOVIES, mapapanood tuwing Martes sa buong buwan ng Pebrero, tampok lamang sa TV5.

The-Lady-Next-Door The-Replacement-Bride Studio5 - When I Fall In Love Bawat-Sandali

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.