MGA DAWIT SA FUND MESS HUWAG DAW HUSGAHAN

FORT DEL PILAR, BAGUIO CITY – HINDI na dapat pang husgahan ang mga produkto ng Philippine Military Academny o mas kilala sa tawag na PMAer.

Ito ang apela ni PMA Supt.  Rear Admiral Leonardo Calderon Jr. sa  gitna na rin  ng  pagkakadawit ng pangalan ng  ilang cavaliers ng institusyon sa AFP fund scandal na iimbestigahan sa Senado.

“ I urge all Alumni not to condemn nor pre-judge anyone until rulings and decision are reached by the judicial authorities on one hand”, ani Calderon sa kaniyang talumpati sa ika-112 PMA Alumni Homecoming sa Fort Del Pilar, Baguio City.

Ipinaliwanag ni Calderon na dapat manatiling kalmado at patas ang mga cavaliers sa halip na agad mangutya at padala sa mga hate campaigns laban sa sinuman.

Ginawa ni Calderon ang pahayag dahilan sa marami sa mga cavaliers ang nahahati ang opinyon sa nilikhang kontrobersya ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa plea bargaining deal laban kay dating AFP Comptroller ret. Major Gen. Carlos Garcia na nagkamal umano ng kuwestiyonableng P302 M.

Kabilang sa mga ito sina dating AFP Chief of Staffs ret. Gen. Roy Cimatu, nakakuha umano ng P 80M pabaon at ret. Gen. Diomedio Villanueva,  160M pabaon ngunit kapwa nama ito itinanggi ng nasabing mga retiradong heneral.

Si dating AFP Chief of Staff ret. Gen. Angelo Reyes na itinangging nakakuha ng P 50M pabaon ay nagging baon nito hanggang sa hukay ang nasabing isyu matapos mag-suicide ang sinasabing protektor ni Garcia na umano’y siyang tunay na nakikinabang sa AFP fund mess .

Pinapurihan naman ni Calderon ang mga cavaliers na dumalo sa tradisyunal na PMA Alumni Homecoming bilang suporta sa alma mater ng mga kinauukulan.

EUNICE CALMA

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.