Mga dawit sa 2007 poll fraud, itinanggi si unas

ITINANGGI NG MGA personalidad na dawit sa affidavit ni Norie Unas, dating provincial administrator ng Maguindanao, na kasama sila sa pulong ng dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Sinabi ni dating Zambales governor at senatorial candidate ng Team Unity na si Vic Magsaysay, hindi niya kilala si Unas at sa kanyang pagkakaalala, walang naganap na meeting sa Palasyo.

Sa panig naman ni da-ting LWUA administrator at Rep. Prospero Pichay, normal lamang daw na ikampanya ang kandidato ng pamahalaan pero hindi naman umano na-ngangahulugang 12-0 ay nandaya na sila.

Una nang inihayag ng tagapagsalita ni Arroyo na si Atty. Raul Lambino, na walang kredibilidad si Unas para tumestigo dahil malinaw na nais lamang nitong maisalba ang sarili laban sa mga usaping kanyang kinasasangkutan.

Si Unas ang sinasabing kanang kamay ni Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. na bumaligtad para ilahad ang aniya’y mga tunay na nangyari kaya nanalo ang dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, pati na ang mga kaalyado nitong senador. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.