Mga Dating Carnapping Group, Muling Nabuhay – PNP

POSIBLENG MGA NAG-MUTATE na dating carnapping at carjacking group na muling naging aktibo ang mga nasa likod ng mga insidente ng pagnanakaw ng sasakyan sa mga nakalipas na araw.

Ayon kay PNP-Highway Patrol Group Spokesman, Sr. Supt. Edwin Butacan, maraming carnapping at carjacking groups ang kanilang nabuwag noong isang taon.

Gayunman, bagaman nawalan aniya ng lider ang ilang grupo, pinalitan ito ng ilang miyembro at bumalik sa kanilang operasyon.

Sa tala, umaabot na sa 31 ang carnapping incidents ngayong buwan lamang.

Una nang sinabi ng Philippine National Police na limang grupo pa ng mga carnapper ang kanilang tinutugaygayan.

Kabilang dito ang Dominguez, Bonifacio, Madrigal, Ivan Padilla at Chingasa Gangs.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.