Mga buwayang tauhan ng Caloocan, naglipana

KINOKONDENA NG MGA pampasaherong drayber at mga vendor ang ilang tauhan ng Caloocan City Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) na sinasabing mga buwaya sa lansangan.

Ayon sa ilang jeepney driver na may rutang Malabon/Navotas/EDSA/Munomento, humigit-kumulang  sa 300 pampasaherong dyip ang bumibiyahe sa mga nasabing  lugar.

Anila, isang nagngangalang Jerry alyas “Diablo” na sinasabing supervisor ng RDPSTM ang sapilitan umanong nangungulekta ng tarya ng halagang P150.00 kada linggo sa bawat isang pampasaherong dyip para makapagsakay ng pasahero sa mga bawal na lugar partikular sa harap ng Old Ever Gotesco na matatagpuan sa Samson Road.

Suma-total, P45,000 kada linggo ang nagiging kuleksiyon ni Diablo sa mga pampasaherong dyip na sinasabi ni Diablo na utos umano sa kanyang ni Al Sta. Maria, hepe ng DPSTM.

Kapag may tarya ang mga drayber kay Diablo, malayang nakaka-pick up ng pasahero ang mga ito sa mga bawal na lugar.

Ang mga drayber naman na hindi nagbibigay ng tarya kay Diablo ay agad umano nitong hinuhuli at kinukumpiska ang driver’s license kapag humihinto sa bawal magsakay para pumik-ap ng pasahero.

Sinabi pa ng mga drayber, masahol pa umano sa buwayang gutom si Diablo kung mangotong dahil ito ay hindi puwedeng pakiusapan.

Isa pang supervisor ng RDPSTM na isang “Calma” na kapareho ni Diablo na umano’y buwaya rin dahil hindi ito makatao kung mangotong sa mga vendor sa kahabaan ng Rizal Ave., sa harap ng Araneta Mall sa Bonifacio Monument at sa kahabaan ng Samson Road.

Kapag hindi umano nakapagbigay ng tarya ang isang vendor ay parang hayop na pinalalayas ni Calma, ayon pa sa mga nagagalit na vendor.

Itinatanong ng mga nag-rereklamo drayber at vendor, ganito ba ang itinuturo nina Mayor Enrico “Recom” Echiverri at Sta. Maria sa kanilang mga buwayang tauhan ng RDPSTM.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.