Mga buwaya sa Balintawak

0922286xxxx – Idol Raffy, gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na maraming mga buwaya diyan sa circle ng Balintawak papuntang EDSA, galing ng North Luzon Expressway. Marami pong mga pulis at blue boys na nakabantay sa lugar na iyan na nangongotong po sa aming mga trucker. Kahit po mababa ang karga at hindi lumalampas sa ulo ng truck iyong karga ay sasabihan nilang extended cargo na. Tapos tatanungin ka kung ano ang gusto mong mangyari, ang matiketan ka na kapag natiketan ay maaabala ka dahil may seminar pa na dadaluhan. O magbibigay ka ng galing sa puso mo na wala ka ng magiging problema pagkatapos. Sana po ay madisiplina ninyo ang mga buwayang ito. Maraming salamat Idol. More power po.

 

0908777xxxx – Idol, isa po akong concerned citizen at gusto ko lang pong itimbre sa inyo iyong isang barangay tanod po rito sa Las Piñas City na sa tuwing malalasing ay walang habas na nagpapaputok ng baril. Matagal na po niyang ginagawa ito ngunit walang magkalakas ng loob na magsumbong kasi galing mismo sa bibig niya na, “Wala tayong problema riyan sa barangay, atin iyan. Pati riyan sa police outpost atin iyan kaya walang problema.” Lagi niya pang ipinagmamayabang ang baril niya na magandang klase raw, isang vintage caliber 45, 1915 yata iyon. Salamat po.

 

0906827xxxx – Sir Raffy, isusumbong ko lang po itong mga pulis na sakay ng mobile patrol car with body number QC-163, itong mobile po na ito ay walang plaka ang likuran. Pinahinto po ang isang bus tapos lumapit ang isang kundoktor. Inaabot ang kanang kamay sa pulis pagkatapos ay umalis na.

 

0907490xxxx – Sir Raffy, ako po ay taga-Parañaque City, gusto ko lang pong isangguni sa inyo ang problema ng aming barangay dahil sa sapilitan nilang panghihingi ng two hundred pesos sa amin na pamba-yad daw po sa sec. Tama po ba ang ginagawa ng aming barangay? Salamat po.

 

0935101xxxx – Mr. Tulfo, I would like to report an incident that happened in Cagayan Valley. A drunk policeman shot a civilian person that luckily survived the wound. Kindly help us seek justice because the said cop is still in active duty and was not even arrested. Thanks.

 

0906111xxxx – Sir, nais ko lamang pong humingi ng tulong sa inyo. Noong May 28 po magkakasama kaming magkakaibigan ng bigla pong dumating iyong magulang ng isa naming kaibigan na may kasamang tatlong tao na nagpakilalang mga pulis ng Caloocan. Pagkatapos po ay kinuha ang 4 na cellphone naming magkakaibigan. Nangyari po ito sa Norzagaray, Bulacan. Sana po ay ma-tulungan ninyo kami na mabawi ang mga gamit namin na kinuha nila. Salamat po.

 

Ang WANTED SA RADYO (WSR) ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa channel 41.

Para sa inyong mga sumbong ang public service action center ng WSR ay matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City.

Maaari din kayong mag-text sa 0917-7-WANTED o sa 0908-87-TULFO.

 

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

One thought on “Mga buwaya sa Balintawak

  1. To all listeners and Readers of Tulfo Brothers:

    This is to informed everybody that (09178822378) is NOT number of MR TULFO…..This is belong to private individual. Please check your number before you call…

    Thanks and Best regards,
    Authority

Leave a Reply

Your email address will not be published.