Mga Buto ng Tao, Nahukay sa Harap ng Bahay

TUMAMBAD SA Cavite Police ang mga buto ng tao na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ni Ronald Bae, ang lalaking namaril sa Barangay Tabon 1, Kawit noong Enero 4.

Matapos ang ilang araw na paghuhukay ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa pangunguna ni Police Chief Inspector Rey Magdaluyo, natagpuan ang human skeletons sa bakanteng lote sa harap ng bahay ni Bae.

Kinumpirma ng Municipal health officer na kabilang sa mga nahukay ay mga buto sa bahagi ng binti at hita ng tao.

Ayon kay Magdaluyo, unang isiniwalat ng umano’y taga-reload ng baril ni Bae na si John Paul Lopez na may ipinapatay at inilibing si Bae sa tapat ng bahay nito na isang Teodolo Villanueva at isang Mang Tomas.

Samantala, may isa pang testigo sa umano’y summary execution na sister-in-law ni Villanueva.

Lumitaw sa kani-lang pagsisiyasat na dating nakulong si Bae at nang makalabas ito ay ipinatumba niya ang dalawa sa paniniwalang ito ang mga naglaglag sa kanya, ani Magdaluyo.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat sa krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.