Mga Buto ng Tao, Nagkalat sa Gen San

NATAGPUAN NG mag-asawa  ang mga nagkalat na buto ng tao sa Alcantara Ranch sa Lanton, Apopong sa General Santos City.

Sinabi ni Sarah Ali, 40, residente sa naturang lugar, pasado alas-5:30 kamakalawa ng hapon nang kanilang matagpuan ang kalansay habang papauwi na kasama ang mister na si Haron Ampi pagkatapos kumuha ng mga kahoy.

Sa simula, kanilang pinaniniwalaan na kalansay ng baka ang natagpuan pero may nakitang damit ng tao sa nasabing area.

Ang mga nagkalat na buto ay kanilang nakita sa damuhang bahagi ng Alcantara Ranch.

Samantala, nasa kustodiya na ng PNP Crime Lab ang nasabing mga buto para sa dagdag na pagsisiyasat.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.