Mga buntis na namamatay, dumarami

 

ISANG MALAKING hamon sa lalawigan ng Iloilo ang tumataas na maternal death o mga buntis na nasasawi dahil sa kakalungan ng kaalaman sa medikal.

Sinabi ni Dr. Betty Polido, pangulo ng Family Planning Organization of the Philippines (FPOP) Iloilo chapter, ang kakulangan ng alituntunin sa pagpaplano ng pamilya at reproductive health ay nananatiling problema ng bansa sa ilang dekada na ang nakalilipas.

Base sa resulta ng Family Health Survey (FHS) noong isang taon, ipinakita nito na bigo ang pamahalaan na bigyan ng atensIyon ang nasabing problema habang kapos din ang health services lalo na sa larangan ng reproductive health.

Sinabi ni Polido na maging ang Department of Health (DOH) ay aminado sa hindi mapigil na mataas na maternal deaths at ang programa sa Maternal, Newborn and Child Health and Nutrition ay hindi epektibo at hindi sapat.

Lumabas din sa ulat na 2011 Family Health Survey sa pagitan ng mga taong 2006 at 2011, ang maternal death ay tumaas mula 162 hanggang 221 sa Iloilo.

Nangangahulugan ito na maraming ina ang namamatay dahil sa pagdadalang-tao o panganganak.

Dahil dito, kumbinsido si Polido na dapat ipasa na ang Reproductive Health bill na ikinasa ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.