Mga Botante, Pairalin ang Konsensya – Tagle

UMAPELA SI Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat ng mga Pinoy na boboto ngayong araw na pumili at bumoto ng nararapat na kandidato base sa kanilang kagustuhan at dekta ng konsensya.

Sa naging mensahe ni Cardinal Tagle tatlong araw bago ang botohan, binigyang-diin nito na kailangang iligtas ng mga botante ang Pilipinas sa malinis na eleksyon.

Samantala, dapat din umanong maging responsable ang bawat mamamayan para sa malinis at matagumpay na halalan.

Ito ang binigyang-diin ni Tagle sa kanyang homily sa opening ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting’s command center sa lungsod ng Maynila na aniya’y dapat pagtuunan ng pansin ang pagboto ng mga nararapat na opisyal ng bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.