Mga boss ng Dos, deadma Claudine Barretto, gustong bumalik sa Kapamilya?!

“IN A very special guest appearance” ang pralala ng nagsimula nang soap ng GMA sa exposure ni Claudine Barretto.  Baka nga bida pa sa palabas na ‘yon ang sandamakmak na bagets plucked from Aparri to Jolo kesa kay Claudine, na kahit sabihin pang “very special” ang kanyang partisipasyon, still, hanggang sa pagge-guest na lang siya.

Too sad na isang Claudine Barretto who was once one of ABS-CBN’s prized possessions is now pegged at a “lower price”. A transferee from her roots, sinalo ng GMA si Claudine who, in fairness, was accorded “very special treatment” offering her “equally very special TV assignments.”

But having botched her last work — even risking the future of the lowly, underpaid production crew na umaasa lang sa kanyang show for their subsistence — mukhang  tinabangan na sa kanya ang GMA, thus giving her a guest appearance sugar-coated as “very special”, masabi na lang na Kapuso star pa rin ang aktres.

Kung ito ang ipinagsisintir ni Claudine, then in our opinion, there should be no EMOTION for DEMOTION. Claudine only has herself to blame.

Samantala, may mga feelers daw through her emissary na may direct contact sa ABS-CBN. Reportedly, Claudine is sending a signal na nais niyang bumalik sa naturang istasyon since her transfer to GMA has proven to be fruitless.

Ang kaso, kumbaga sa doormat made of multi-colored, printed swatches (retaso) ay tila walang nakabaybay na salitang WELCOME (BACK) sa pagpaparamdam ni Claudine sa pinanggalingang istasyon. Seemingly, none of the bosses in ABS-CBN is interested in even letting a “prodigal” re-entrant go near its doorstep.

Sorry, pero walang “very SPATIAL (denoting space o lulugaran) reappearance” for Claudine.

EVEN WITHOUT the editorial go-signal from the legal department of GMA ay sinadyang hindi na isinama ng Startalk TX nitong Sabado ang reference ni Annabelle Rama (based on her aired VTR interview) sa dating matalik na kaibigang si Daisy Romualdez being Nadia Montenegro’s alleged cohort.

Ayon kay Annabelle, si Daisy raw ang nag-udyok kay Nadia na idemanda ito ng child abuse involving her two minor children na alaga nito. Naganap daw ang pagpaplano sa isang five-star hotel kung saan naulinigan ng isang tao — who happened to be Annabelle’s close ally — sa katabing table ang naturang plot.

Showbiz insiders would know the extent of friendship that has long before existed between Daisy and Annabelle. Sila ang female counterparts ng magkaibigang Damon and Pythias.

Tulad ni Nadia who’s dissatisfied over the way Annabelle is handling the career of her children, ganoon din ang sentim-yento ni Daisy sa paraan ng pagma-manage nito sa kanyang adopted daughter na si Danita Paner.

Now, we see another character (in Daisy) na meron ding “very special guest appearance” sa warla-warlang Annabelle versus Nadia. More than the latter’s skirmish, mas naiintriga ang showbiz sa kung saan posibleng umabot ang giyera sa pagitan nina Annabelle at Daisy.

Oh, that would be “very, very, very special.”

ABANGAN NGAYONG Miyerkules sa Face To Face ang “very special” (gawin bang operative phrase?) ding kaso na pinamagatang Ako’y Ibong Nakakulong Sa Hawla… Naghanap Ng Ibang Ibon Para Makalaya! Nagsisintir ang tomboy na si “Singkit” dahil matapos niyang sambahin ang live-in partner niyang si Manilyn ay ipinagpalit siya nito sa kanyang matalik pa manding kababatang si Richard. Nang tanungin naman ni Tyang Amy Perez kung bakit nagawa ‘yon ni Manilyn, hinarap nito ang ex-dyowang tomboy sabay sabing, “Wala ka kasing angry bird!”

Tunghayan naman bukas ang kuwentong Kahit Mahigit Sisenta Na Si Mommy, Nakadagit Pa Rin Ng Mas Bagets Na Lalaki Na Hingi Naman Nang Hingi Ng Money! Himutok ni Lola Pribada, sa kabila ng pagbibigay-luho ng kanyang nobyong si Wilfredo ay nakuha pa nitong buntisin ang kalaguyong si Antonette. Baon sa utang ang masyonda dahil sa panghuhuthot ng boylet, habang nagpapasasa ang huli sa kaligayahan.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMommy Dionisia Pacquiao, ‘di papayag na magpalit ng relihiyon si Manny Pacquiao!
Next articleNapaiyak dahil siya ang huling nakaalam Shalani Soledad, tsinugi na ni Willie Revillame sa show!

No posts to display