Mga bilyonaryo sa ‘Pinas, sinusuri ng BIR

INAALAM DIN umano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kung tama ang buwis na binabayaran ng mga bilyonaryong business tycoon sa Pilipinas na nakapasok sa Forbes magazine list ng 2014 world richest billionaires.

Kabilang sa nasabing listahan si Henry Sy na may $11.4 bilyon na pang-97 sa buong mundo; sunod sina Lucion Tan, Andrew Tan, Enrique Razon at John Gokongwei Jr.

Ilan sa mga natuirang pinakamayayamang tao sa bansa ay hindi kasama sa mga nangungunang tax payers sa BIR.

Inihayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na binubusisi naman ng ahensiya ang kanilang tax returns at kung tama ang binabayarang buwis mula sa kinikita.

Sinabi ni Lacierda na ang buwis ay ibinabase sa kita o income ng isang tao habang ang batayan ng Forbes magazine ay kabuuang assets o capital ng mga negosyante.

Una nang binanggit ng Palasyo na inaalam nila sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kung ano na ang status ng tax evasion case laban kay Lucio Tan ng Fortune Tobacco Corp., Tanduay Distillers, Asia Brewery at Allied Bank.

Matatandaan na 2011 pa isinampa ni Danilo Pacana, dating internal audit manager ng Allied Bank, ang P1.2 trilyong tax evasion case sa BIR at wala pang desisyon.

Dumistansya naman ang opisyal sa multi-bilyong tax evasion case kontra kay Tan na nabasura dahil hindi pa raw nila panahon nang ito’y mabasura sa korte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.