Mga Biktima ng Ondoy, Ginunita

HINIKAYAT NG MGA opisyal ng gobyerno ang publiko na maging alerto sa mga panganib na dala ng kalikasan sa paggunita sa mahigit 464 kataong nasawi sa pinakamalaking pagbaha sa bansa sa loob ng mga nagdaang henerasyon kahapon.

Sa ginanap na misa, nakiisa ang mahigit isandaang nakaligtas sa Marikina Riverbank, kung saan marami sa kanila ang inanod ng rumaragasang baha dala ng malakas na bagyo.

Sa iniwang bakas ng mga nagdaang bagyo sa bansa, nakapagtala ng mahigit 9.3 milyong katao ang lubos naapektuhan o 10 porsiyento ng populasyon sa Pilipinas.

Umabot sa 4.4 bilyong dolyar ang pinagsamang recovery costs ng World Bank sa bansa at nagbigay babala na mauulit ang naturang pagbaha na mas malala pa sa mga nagdaan noong taong 1960.

Sinisisi ng mga eksperto ang mga baradong kanal, pero wala pa ring aksiyong ginagawa ang gobyerno hinggil dito.

Sa pagsisimula ng wet season noong Hunyo, mayroong 2.7 milyong iskwater sa Maynila at kalahati nito ay naninirahan sa mga lugar na madalas bahain gaya ng riverbanks.

Nangangailangan ng flood-control infrastructure ang bansa. Ito ang suhestiyon ni Francis Tolentino, head ng Metropolitan Manila Development Authority.

“I am sorry to say this, but our flood-control plan is still based on circa 1952,” pahayag ni Tolentino sa isang radio station noong Linggo.

Ayon pa rin sa gobyerno, kumitil ng mahigit 2,000 katao ang mga bagyo, pagbaha, pagguho ng lupa at iba pang sakuna sa karagatan sa bansa noong 2009.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Mga Biktima ng Ondoy, Ginunita

  1. Pingback: SMC-TV goes on the air, revamps office | Latest News, News Today, News Online, Live News, Daily News, World News, Latest World News, Live World News, Online World News, Headlines Today, World News Sites

Leave a Reply

Your email address will not be published.