Mga Biktima ng Habagat sa Malabon, Nagpasalamat sa Natanggap na Tulong

TAOS-PUSONG PASASALAMAT ang ipinaabot ng mga residente ng Goldendale of Malabon Neighborhood Associsation (GOFMNA) Phase 1 sa mga taong tumulong sa kanila habang kasagsagan noong nakalipas na bagyo at ilang araw na sunud-sunod na pag-ulan dulot ng hanging habagat noong nakalipas na linggo.

Ang mga pinasasalamatan ay ang kasaluku-yang pangulo ng nasabing asosasyon na si Mrs. Herminia Mojal, ang Rotary Club ng Malabon 3800 sa pangunguna ng immediate past president na sina Mr. Cesar Tan, Mr. Boyet de Guzman at Mr. Robert Mendoza.

Ayon sa mga naging biktima ng kalamidad, hindi nila malilimutan ang ginawang tulong sa kanila ng mga nabanggit dahil nakaligtas sila sa posibleng kapahamakan sa halos lagpas-ulong baha sa kanilang lugar sanhi ng hanging habagat isang linggo na ngayon ang nakalilipas.

Nagpamigay ang mga miyembro ng rotary club at maging ang nasabing asosasyon ng mga pagkain, damit, delata at noodles.

Nang tumataas ang tubig baha ay ipinagamit ng rotary ang kanilang mga rubber boat para mailikas ang mga apektado ng baha sa matataas na lugar.

Isang mapagkawanggawang residente na si Mr. Robert Mendoza ang nagpahintulot na ipagamit ang kanyang bahay para maging evacuation area na sinalanta ng tubig-baha.

Dahil dito nagkakaisang nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa mga taong naging responsable na nagbigay ng tulong sa mga biktima ng baha at kanila pang sinabi na “nawa’y maging magandang halimbawa sa lahat ang ginawang pagtulong mga nabanggit, mabuhay kayo.”

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.