Mga bigatin pa man din ang kasama sa bagong serye
Dingdong Dantes, nauwi sa mas starlet na leading lady!

MUKHANG WALA nang mapili ang GMA 7 na hahalili sa iniwang proyekto ni Kylie Padilla na Pahiram ng Sandali, dahil hindi raw carry ni Kylie ang maiinit na eksenang gagawin nila ni Dingdong na mukang minadali para lang magkaroon si Dingdong ng proyekto at ma-ging kapalit ng Haram na ‘di hamak na mas inaabangan at pinag-isipan.

At sa dami nga ng mga malalaking artista ng GMA 7 na maaaring humalili kay Kylie sa soap mula kina Maxene Magalona, Sarah Lahbati, Bianca King, atbp., ang newbee sa Kapuso Network at napapanood sa Coffee Prince na si Max Collins ang napili ng pamunuan ng GMA 7.

Marami nga ang nagsasabing sugal ito sa GMA 7, dahil ito bale ang kauna-unahang soap na pagbibidahan ni Max kasama sina Dingdong, Lorna Tolentino, Christopher De Leon, Kristoffer Martin, atbp.

Ang tanong? Kagatin kaya ng audience ang tambalan nila? Well, ‘yan ang ating aabangan, kung mahahatak ba paitaas ni Dingdong si Max, o hihilahin pababa ni Max si Dingdong? ‘Yun na!

 

SOBRANG SIPAG talaga ng isa sa maituturing naming anghel ng press people, sa pagiging sobrang generous nito at suporta sa lahat ng mga manunulat, ito ay ang Public Attorney’s Office Chief Atty. Percida Acosta.

At kahit nga kadarating lang nito galing Amerika, kung saan isa ito sa binigyan ng parangal sa Gawad Amerika, kung saan kasabay nitong pinarangalan sina Sen. Jinggoy Estrada, Manila Vice-Mayor Isko Moreno, Eddie Garcia, atbp., tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong nito sa mga Pilipinong humihingi sa kanya ng libreng legal assistant.

Mas lalo ngang napamahal sa masa si Atty. Acosta nang magkaroon ito ng programa sa TV 5, ang  Public Atorni, na siyang naging daan para mas marami pang matulungan ito. Matagal nang advocacy ito ni Atty. Acosta kaya marami ang nagsasabi sa kanyang kaya na niyang pasukin ang pulitika. Pero kahit marami ang kumakausap kay Atty. Acosta na tumakbo ito, mukhang wala pa itong balak tumakbo sa ngayon.

 

DESIDO AT talagang pinaghahandaan na talaga ng Fil/Canadian beauty queen na si Gina Damaso ang audition sa Miss Saigon na gaganapin sa Nov. 19. Ayon nga kay Gina, isa raw sa dream niya ang mapabilang sa mga Pinay na kinilala sa musical play sa Broadway katulad nina Lea Salonga at Monique Wilson.

Kaya naman daw wala siyang ginagawa everyday kundi ang mag-rehearse nang mag-rehearse kumanta at sumayaw, para raw maging handa siya sa araw ng audition. Ilan sa mga awiting niri-rehearse niya ang sikat na kanta sa Miss Saigon na “Sun and Moon”.

Susundin nga raw ni Gina ang mga advice nina Lea at Monique nang ma-interview ang mga ito tungkol sa mga Pinoy na mag-o-audition na kailangan ay maging natural ka at ‘wag maging overacting sa harap ng mga hurado, at ‘wag kabahaan at i-enjoy lang ang audition.

PUMASYAL ANG mga naggagandahang candidates ng Miss Earth 2012 beauty pageant sa malaking planta ng Psalmstre Enterprises, Inc. sa Taytay, Rizal nitong nakaraang Lunes.
Ang Psalmstre ay kilalang gumagawa ng de-kalidad na produktong pampaganda at pampaputi tulad ng New Placenta, Glutamin at Olive C na para naman sa mga kabataan. Bukod sa Pilipinas, mabibili na rin ang mga ito sa abroad tulad ng Middle East, Hong Kong, Singapore, Canada, USA at New Zealand.
“Malaki ang tiwala ko sa Miss Earth Foundation dahil sa kanilang kakaibang advocacy para sa ating kalikasan. Very supportive din ang Carousel Production sa aking kumpanya kaya naman halos taun-taon ay parte ako ng paligsahan nila,” sambit ng President & CEO na si Jim Acosta.
Mapapanood ang Miss Earth 2012 Grand Coronation Night sa Nobyembre 24 ganap na alas-syete ng gabi sa Versailles Palace, Alabang, Muntinlupa.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

21 thoughts on “Mga bigatin pa man din ang kasama sa bagong serye
Dingdong Dantes, nauwi sa mas starlet na leading lady!

  1. aminin na ninyong mga maka abs cbn,,,dito sa Metro manila. at luzon,,,teritoryo ito ng GMA7,,,sa rating na lang…talo na sila dito,,,siguro sa mga malalayong probinsya,,,may laban ang abs cbn,,,pero sa mga urban center,,,panalo ang GMA7,,,yan ang dahilan,,,kung bakit gumagastos sila ng malaking pera, sa kanilang PR…ang GMA   walang ganoon, nangagaling lang datus nila sa AGB,,,na kapani paniwala naman,,,dahil mas kilala at pinagkakatiwalaan ng mas maraming company,, local at multi national,,,,kaya ang ABS …nagtatag  este,,,nag imbita ng ibang survey firm,,,,yung Kantar,,,na sila lang yata ang subcriber niyan,,,walang ibang kumpanya,,,kaya panalo palagi sila diyan,,,,

  2. AY NAKUUUU KAHIT SINO PAYAN..FLOPPPPPPPPPPPP NANAMAN YAN..lalangawin nanaman yan gudluck mga langaw hahaha..nadamay sya sa gf nyong Ugaling Aso palaboy palengke

    • he he maldita, kinagat nga ng televiewer si max collin,,,ang taas ng rating Pahiram,, he he,,,,epektib siya,,,he he hindi kaya nanghihinayang ang Abs cbn kay Ms Abiera….aka…max collin ….infairness  maganda siya, sexy, at tisay,,,,he he he may ibubuga sa akting,,,,,panalo dito ang GMA,,,sa pag sugal nila kay Max

  3. Sabi ng writer na ito, mabibigat na artista raw sina Maxene, Sarah Lahbati, Bianca King. Ay sus!! kailan naman naging bigatin ang mga starlet na ito? Sa totoo lang wala namang bigating star ang GMA. Di tulad sa ABS, maraming mapagpipilian. Pasensiya na po. nagsasabi lang ng totoo!!!

    • pasensya na rin,,,nababaliw ka lang,,,pasensya na rin,,,wala akong makitang bigating artista ngayon sa abs cbn,,na may karapatang tawaging artista,,,he he ayyy mali,,,nandun na pala sina Richard Gomes, dawn,,,,sina Janice,,,,,yan ang mga tunay na Artista,,,matatagal na at may napatunayan na,,,har har,,pero yung iba,,,sorry   starlet pa rin sila  

      • hoy tanga mo…ang daming bigating artista sa abs nu ikaw ang BITTER…award winning actors pa sila

  4. Give Max a chance. Sa lahat naman ng mga artista, there is always a first time. Kung talagang magaling at malakas talaga sa masa si Dingdong, hindi na kailangan ng sikat na actress, Anyway, marami naman siyang makakasamang seasoned talents. Carry na nilang lahat ito.

  5. Wala naman talagang ‘ female big stars’ ang GMA kundi si Marian Rivera lang, halos lahat starlets na trying hard o kaya palaos na from other networks…yung iba katakot takot ang promotion, akala mo big stars pero pag gumawa na nang pelikula flop sa takilya…

      • I know right.. di tulad sa ABS CBN..anne, cristine, bea, kim, toni, kathryn, julia, sarah, kc, maja, erich, angel….unending list!!!
        sa GMA c marian lng tpos hnd pa mgaling. OA pa… super true na trying hard lng mga iba like maxene magalona and bianca king..unending list!!! hahaha eewww!!

  6. Maganda sana kung si heart evangelista ang leading lady ni dingdong sa new soap nya..refreshing ang dating at exciting magiging first team up nila…bagay din sila infairness.

  7. KUNG YANG NEVER HEARD NA MAX COLLINS NA YAN DAPAT SI ISABEL DAZA NA PARA BAGAY KAY DONG AT MADAMING TIYAK ANG MANOOD DAHIL SA CONTROVERSY NILA at TIYAK SYA NA ANG IPAPALIT KAY MARIANITA NA PALENGKERA!!! BAKA TAKOT ANG GMA KAY MARIANITA KYA AYAW IPARTNER  KAY DONG SI PRETTY ISABEL DAZA! HOY GMA WALA NG HATAK SI MARIANITA KAYA TSUGIHIN NYO NA PARA PULUTIN NA LANG TONG BABAENG PSYCHO NA TO SA KANGKUNGAN !!!  SA DONG-BEL TEAM UP AKO!!!

  8. Walang kwenta mamili ang GMA7. Ya talgang sugal ang gagawin nila. Eh hindi naman marunong umarte yang Max Collins na yan. Parang syang “bangag” kung umarte at magsalita. Banong bano sa pag arte… Mas ok at maganda kung either sina, Carla Abellana, or Isabel Oli or Isabelle Daza ang pumalit ke Kylie Padilla…. Sayang at nag back out si Kylie. Eto na sana ang magpapatunay na aktres sya. Pero understandable naman ang reason ni Kylie.

    • infairness naman sa pahiram   umarangkada ang rating,,natalo ang katapat sa dos,,,tapos nahila pa ng taas ng rating ng TOW,,,,kaya panalo sila,,,giba mga katapat sa Dos,,,tigbak na nga yung isa,,,,yung kina Kris at binoe,,,,hindi pa rin makausad,,,,yan po ang katotohanan

Leave a Reply

Your email address will not be published.