Mga Batikos ni PNoy, Pinalagan ng Former TESDA chief

PINALAGAN NI dating Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Augusto Syjuco ang mga batikos sa kanya ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) kamakailan.

Maaalala na sinabi ng Pangulo, “Pinapanagot na po natin ang dating namumuno ng TESDA dahil sangkot siya sa katakut-takot na tongpats sa ahensya. Halimbawa: Ang isang incubator jar, nagkakahalaga ng P149. Pero kay Ginoong Syjuco: P15,375. Ang normal na presyo ng dough cutter, P120. Ang presyo kay Ginoong Syjuco: P48,507. Linawin po natin, dough cutter ito, at hindi Hamilton Class Cutter. Baka nga po kapag hinarap na niya ang kasong isinampa ng Ombudsman, matuto nang magbilang itong si Ginoong Syjuco.”

Iginiit naman ni Syjuco na hindi siya sangkot sa anumang anomalya.

Pinatotohanan nito na may kaso siya sa Ombudsman na iniakyat na sa Sandiganbayan, pero kinukwestyon aniya ang proseso nito dahil sa kawalan ng basehan.

Ipaliwanag naman ni Syjuco sa umano’y mga mamahaling kagamitan tulad ng incubator at dough cutter, hindi niya ito binayaran dahil batid niyang maanomalya.

Nilinaw rin ng dating TESDA chief na walang problema ang pinasok nilang kontrata noon, pero ang delivery ang nagkaaberya.

Samantala, nakiusap si Syjuco sa Panulong Aquino na bigyan naman siya ng pagkakataon para magpaliwanag.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.