Mga Batang Paulit-ulit na Madadampot sa Kalye ‘Di na Isasauli sa Magulang

HINDI NA isasauli ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga magulang ang mga batang paulit-ulit na madadampot ng mga kinauukulan sa kalye.

Sinabi ni DSWD Sec. Dinky Soliman na pananatilihin na lamang sa mga shelter o bahay-ampunan ng non-governmental organizations (NGOs) ang mga batang tatlong beses nilang mare-rescue.

Ipinapakita aniya nito na hindi sineseryoso ng mga magulang ang pangangalaga sa kanilang mga anak.

Pinangangambahan din ng mga kinauukulan na malulong lang sa solvent ang mga bata o maging sakit sa ulo ng mga pulis sakaling matutong magnakaw.

Samantala, una nang inanunsyo ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na inihahanda na nila ang mga kaso laban sa mga pabayang magulang.

(PARAZZIREPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.