Mga bata, dinudukot sa Iloilo

DALAWANG BATA ang dinukot umano ng mga taong sakay ng isang van sa may Iloilo City.

Edad pito at walong taon ang pinakahuling biktima ng mga suspek na mula Ungka 1, Pavia.

Ikinuwento ng dalawang bata kay Brgy. Chairman Angelito Celiz, ang bantang pagdukot sa kanila. Huminto umano sa kanila ang isang van kung saan pilit silang pinasasakay ng dalawang lalaki.

Nakaligtas lamang sila noong may tumawag sa suspek at nagtanong kung matataba ang mga batang dala nila. Dahil payat ang mga ito, pinababa sila sa van na dapat sanang magdadala sa kanila papuntang Cabatuan, Iloilo.

Hindi ito ang unang beses na naitalang pandurukot sa mga bata sa Iloilo. Ayon sa awtoridad, pareho ang paraan ng pagdukot ng mga bata na pinapasakay sa isang van.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.